nahiga at tiningnan nang bahagya ito.
"O ba't ganyan ka kung makatingin ha. Ano bang iniisip mo ha?" tanong nito.
"Wala naman, ang totoo masaya lang talaga akong kasama ka rito. Saka may sasabihin sana ako sa iyo. Di ba sabi ko sa iyo gusto ko malinaw sa iyo ang lahat..."
"Oo nga sinabi mo nga iyan kanina, baket ba may idadagdag ka pa ba ?" medyo nakatawang biro nito sa kanya.
"Parang ganon," sabi niya at agad na iniangat ang sarili at umopo sa tabi nito. "Ang totoo, hindi ito ang unang beses na nakita kita."
"Ha..." nasabi na lang nito.
"Oo, nakita na kita sa pinagtratrabahuhan mong bangko mga ilang araw na ang nakakaraan. At aaminin ko sa iyo, unang kita ko pa lang sa iyo, nagustuhan na agad kita. At