eenjoy sa malinis na tubig-dagat at pinong-pinong buhangin ng magandang isla. Enjoy na enjoy silang pareho sa kanilang paglangoy. Ilang sandali pa ay nagpasya na silang umahon at naglakad pabalik sa buhanginan.
          "Napagod ka ba sa kakalangoy natin ha Alana?" nakangiting tanong niya. "Pero mukhang nagustuhan mo rin naman di ba."
          "Oo mahilig din kasi talaga akong lumangoy. Noong bata pa ako parati talaga kaming nagpupunta sa kung saan-saang resort ng mga magulang ko. Iyon kasi talaga ang pinakapaborito naming gawing mag-anak," kuntentong sagot nito.
         "Halika, maupo na muna tayo sa buhanginan nang makapagpahinga ka naman."
         Pagkaupo na pagkaupo nila ay agad naman siyang