"Ano bang gusto mong gawin natin dito ha Alana, sabihin mo lang at gagawin natin," pahayag niya sa kanyang magandang katabi sa may dalampasigan.
          "Eywan ko sa iyo, eh di ba ikaw ang nag-isip nito. Ano bang plano mo ha?" balik-tanong nito.
          "Maligo na lang muna tayo at lumangoy sa dagat, halika!" anyaya niya.
          Agad namang hinatak ng binata ang dalaga papunta sa tubig. At nang marating nila ang katamtamang lalim ay agad silang nag-umpisang lumangoy. Lumangoy nang lumangoy ang dalawa. Habang lumalangoy si Alana ay panay ang sulyap ni Henry. Lalo pang gumanda ang dalaga sa paningin niya. At sa paningin naman ni Alana ay lalong pomogi si Henry. Napapansin ng dalawa na panay ang tingin nila sa sa isa't isa. Ngitian lang sila nang ngitian habang lumalangoy at nag-