nagugutom na ako ano bang almusal natin ha?" tanong agad nito.
          Agad namang inilabas ni Henry ang mga dalang pagkain at matapos nilang kumain ay agad silang naupong magkatabi sa maputi at pinong-pinong buhangin ng magandang isla.
          "Mabuti naman at mukhang nagustuhan mo ang almusal natin Alana," sabi niya habang nakatingin sa magandang mukha nito.
          "Buti na lang masarap iyong dinala mong pagkain dito, kahit papano sulit din ang beneyahe natin papunta. Kanina pa kasi talaga ako nagugutom, nahihiya lang akong magreklamo sa bangka dahil may iba pa tayong mga kasama."