matapos ay sinulyapan ito at nginitian nang bahagya.
          "Ikaw ha, kung may binabalak kang masama malalagot ka talaga sa akin," pagbibirong banta nito habang nakatingala kaharap niya sa loob ng magandang isla.
          "Huwag kang mag-alala Alana, lahat nang balak kong gawin sa iyo poro maganda. Pag ayaw mo sa ginagawa ko eh 'di kagalitan mo ako. Madali naman akong kausap eh," sagot naman niya rito.
          "Siguraduhin mo iyan, baka nakakalimutan mo sinabi ko sa iyo kahapon pag nagagalit ako gusto kong manipa at manuntok," pabirong banta ulit nito.
          "Oo nga eh, kaya nga eh wala akong magagawa kundi magpakabait at magpaka-gentleman sa iyo."
          "Usapan iyan, magtitino ka walang kalokohan. O