dahil wala akong balak na magka-boyfriend agad matapos akong lokohin," sagot naman nito.
           "Talaga, pero sa tingin ko malaki ang pag-asa ko, magugustuhan mo rin ako, hintay ka lang," biro niya sa katabi at agad na ngumiti.
           "Di ba sabi mo mas maganda sa islang ito. Maganda oo, pero parang katulad lang naman ito sa pinanggalingan nating resort, ang pinag-kaiba nga lang doon may mga magagandang bahay-kubo saka may eleganteng restaurant," pansin kaagad nito habang sinusuyod nang tingin ang buong kapaligiran.
          "Ha, oo medyo tama ka. Kaya lang mas maganda rito, kasi tingnan mo tayong dalawa lang nandito, wala nang iba pa. Ito kasi talaga ang gusto ko ang makasama ka, tayong dalawa lang," pagtatapat niya habang nakatingin sa palibot