Chapter 5

           SA ilang sandali lang ay narating agad nina Henry ang maliit at magandang isla. Muling inalalayan niya si Alana sa pagbaba nito at nang makaalis na ang dalawang mamang kasama nila dala ang bangkang sinakyan ay kaagad na naglalakad-lakad sa may buhanginan. Habang matabing magkatayo at nakaharap sa dagat, agad siyang nagsalita.
           "Alana, gusto ko kasi malinaw sa iyo ang lahat," umpisa niya. "Niyaya kitang magpunta rito dahil gusto kita, gustong-gusto. Hindi ako nakikipagkaibigan lang sa iyo. Alam kong hindi mo pa ako masyadong kilala para hilingin sa iyo ang gusto kong marinig mula sa iyo, maghihintay lang ako kung keylan mo ako magugustohan. Gandang-ganda ako sa iyo Alana at gustong-gusto kita," pagtatapat niya dito.
           "Nagagandahan ka sa akin, kung sabagay sinabi mo na iyan sa akin kahapon. Pero huwag kang masyadong umasa,