hindi mapigilang ngumiti. Magandang-maganda si Alana at poging-pogi naman si Henry. Napapansin ng dalawa na panay ang tingin sa kanila ng dalawang kasama nila sa kanilang paglalayag.
           "Sa tingin ko Alana, akala ng dalawang mamang ito na girlfriend kita..." pabulong nitong sinabi sa kanya.
           "Ikaw kasi masyado kang malapit sa akin sa pagkakaupo, kaya mukha tayong magkasintahan, kahit hindi naman," pabirong sumbat niya.
           "Sinasadya ko talaga iyan, kasi natutuwa akong kasama kita. Parang gusto kong ipagmalaki na pumayag kang samahan ako sa isla, napakaganda mo kasi..." hirit ng binatang ito na nakangiti nang bahagya sa katabi.