kabilang isla. Mas maganda roon, doon na tayo mag-almusal na dalawa. Payag ka ba ha Alana? Pagkakatiwalaan mo ba ako, kahit bago pa lang tayong magkakilala, ha?" nakangiting tanong nito.
          "Okey, mukhang mapagkakatiwalaan ka naman. Wala ka naman sigurong gagawing masama, niligtas mo nga ako hindi ba..." kunting biro niya.
          "Ikaw talaga. Sigi na halika na akyat na tayo sa may bangka at kanina pa tayo hinihintay ng mga iyan," anyaya nito sa kanya at agad siyang inalalayan paakyat sa maliit na tulay.
          Tahimik lang ang dalawang bagong magkakilala habang patuloy na naglalayag ang bangkang sinasakyan nila papunta ng isla. Paminsan-minsan ay sumusulyap sila sa isa't -isa at