alanganing biro nito sa kanya.
"Oo nga, sa laki at guapo kong ito hindi mo man lang ako napansin," nakangising sagot naman agad niya dito.
"Ah... naalala ko na ikaw iyong poging-poging sinasabi sa akin ni Mariel, na mukhang may..." sambit nito.
"Na may gusto sa iyo," pagtatapos niya sa sasabihin sana nito.
"Sabi nga sa akin ng babaeng iyon, hiwalayan ko na raw agad si Jonathan, dahil may mas pogi daw siyang minamanok para sa akin," salaysay nito.
"Aha, so mas pogi pa pala ako sa dating boyfriend mo," nakangiting sabi niya at inilapit pa ng kunti ang mukha para mas makita nito.
Ngumiti lang ito. "Oo, hindi naman ako sinungaling. Eh bakit ba maganda din naman ako, kaya hindi mo pwedeng