ipagmayabang sa akin iyang kapogian mong iyan," sagot naman agad nito.
         "Wala naman akong planong ipagmayabang ang kapogian ko sa iyo, ang gusto ko i-enjoy mo lang," natatawang sagot niya.
         "Ikaw ha."
         "Eh baket nag-eenjoy din naman ako sa kagandahan mong iyan. Sabi ko nga sa iyo, gustong-gusto kita at magugustuhan mo din ako, pangako ko sa iyo iyan." sabay tingin at kindat ng bahagya dito.
         "Talaga lang ha, akala mo yata nakakalimutan kong hindi ka sumagot ng mabanggit kong malamang mas malala ka pa sa dating boyfriend ko ano. Ayoko sa manloloko natatandaan mo," mabilis na pag-papaalala nito.
        "Oo nga pero hindi ako sumagot hindi ba, kasi ayokong