nito ng pera ay kaagad na tiningnan ang napakaguapong mukha ni Antonio at umiiling-iling sa kung anong dahilan.
"Miss dagdagan mo naman ang binili mong puting medyas sa 'kin, ang pogi-pogi ng boyfriend friend mo tapos isa lang ang binili mo sa 'kin, magpasalamat ka naman kay Lord," nakangiting hirit nito na halinhinang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Oo nga naman, ang pogi-pogi ng girlfriend mo, tapos iisang medyas lang ang binili mo, dagdagan mo naman Allona. Magpasalamat ka kay Lord boyfriend mo ako," patawa-tawang sabat at pagsang-ayon ni Antonio.
"O sigi dadagdagan ko pa ng isa, pero hindi ko 'to boyfriend," pagtutuwid ni Allona sa dalagang vendor.
At matapos masayang makapagpasalamat ay kaagad namang lumakad papalayo ang vendor ng medyas subalit hindi pa man