nagtatagal ay may dumating na kaagad na panibagong dalagang naglalako ng rosas.
          "Sir bumili naman po kayo ng paninda kong mga rosas, wala pa kasi akong benta eh, sigi na naman po..." nakangiti at magiliw na sabi ng panibagong dalagang vendor  kay Allona.
          At dahil sa magiliw ito sa kanilang dalawa ay bumili naman kaagad si Allona sa dalagang vendor. Pagkatanggap ng dalagang vendor ng pera ay tumigil ito sandali pagkatapos ay tumingala at pinagmasdan ang napakaguapong mukha ni Antonio at nagsalita uli.
          "Sir ang ganda-ganda ng girlfriend mo, tapos lilimang pulang mga rosas lang ang binili niyo sa akin, dagdagan mo naman, magpasalamat ka kay Lord."
          Natawa bigla si Allona at gumanti ng hirit kay Antonio. "Oo nga naman ang ganda-ganda ng girlfriend mo tapos lilimang rosas lang ang binili mo. Magpasalamat ka kay Lord."