"Ikaw ha, magkapareho lang ang hirit niyo ng naunang dalagang vendor kani-kanina lang ah, ano 'to ha?" natatawang sita ni Antonio sa panibagong dalagang vendor.
          Namula bigla ito. "Ha..." nasambit na lang nito na napakamot sa ulo nito
          Bigla namang bumalik at lumapit ang naunang dalagang vendor sa tatlo.
          "Hoy, ba't hindi mo sinabing nagbenta ka na sa kanila. Ayan nabisto tuloy gimik natin..." sumbat ng dalagang vendor sa naunang kasama.
          "Ikaw naman kasi, sabi ko nang huwag kang masyadong maglalayo sa akin eh para alam mo kong anong mga sinasabi