ko sa mga nagdaraan. Iyan tuloy, nakakahiya naman...." medyo nahihiyang sita nito rito.
Nagkatinginan sandali sina Allona at Antonio sa mga narinig nila sa dalawang dalagang vendor. Biglang tumawa si Allona kaya natawa na rin siya.
"O nga naman ano. Sigi dahil sinabi mong girlfriend ko na itong si Allona bibili pa ako. O ito, papakyawin ko na ang mga paninda mong rosas pati na rin iyang panindang medyas ng kasama mo bibilhin ko na rin lahat. "Pambili niyo ng pagkain iyan ha, maliwanag."
"Opo! Maraming salamat po! Maraming salamat po sir!" sabay at tuwang-tuwang pasasalamat ng dalawang dalagang vendor kaagad na kumaripas ng takbo papalayo upang bumili ng pagkain.
"Ang bait-bait mo naman Antonio," nasabi na lang ni Allona.