Boss nila mabait na poging-pogi pa."
            "Ikaw talaga, maganda na sana eh," nakangiting umiiling na nasabi na lang nito habang sila'y patuloy na naglalakad.
            Nangiti lang siya sa reaction nito sa sinabi niya, agad lang siyangg muling nagpapogi at inakbayan ito. Nang malapit na sila sa sasakyan niya ay may lumapit na isang dalagang naglalako ng bulalak na rosas sa kanila. Pinagmasdan silang mabuti nito at nang mapansing nakangiti ang dalawa ay agad na nagsalita at nakiusap. "Miss, bili naman po kayo ng paninda kong mga medyas. Sigi na po tutal mukha naman po kayong mayaman eh, sigi na naman po..." pagsusumamo ng dalagang vendor.
            Nagpasya naman kaagad si Allona na bumili ng isa at kaagad na iniabot ang perang pambayad sa dalagang vendor. Pagkatanggap