"Ikaw talaga, hindi napansin ko lang kasi... mukhang gustong-gusto ka talaga ng mga empleyado mo," umpisa niya. "Biruin mo, kararating pa lang natin kanina, sinalubong ka agad nila at sinabihan ng 'Milagro' parang hindi sila natatakot na biruin ka, parang kaibigan lang ang binibiro nila gayong ikaw ang may-ari ng pinagtratrabahan nila."
            "Oo kasi kaibigan ko naman talaga silang lahat. Karamihan sa kanila matagal na sa amin. At sinisikap kong maibigay ang lahat ng mga nararapat para sa kanila. Ayokong makitang hindi sila masaya habang nagtratrabaho sila para sa amin. Naniniwala kasi ako na, pag masasaya ang mga empleyado, lalago lahat ng negosyo. Ganoon lang kasimpli iyon," magiliw niyang sagot rito. At ng mapansin niyang seryosong nakikinig ito sa kanya ay muli na naman itong humirit. "At higit sa lahat natutuwa ang mga iyon kasi ang