Napabuntong-hininga ang dalawa. Dahan-dahan nang lumalabas ang mga totoo nilang nararamdaman. Paglingon niya rito, nakita niyang may mga luha na sa mga mata nito. Inalo niya agad ito. "Okey lang iyan, mami-miss din naman kita eh. Malamang ng mga tatlong beses pa kaysa sa mararamdaman mo."
       Pinilit naman nitong muling ngumiti pero nahihirapan talaga ito. Nahihirapan siyang iwan ito pero kailangan niyang gawin para rito. Gusto niyang yakapin ito bago siya tuluyang umalis pero batid niyang hindi siya hahayaan nito dahil binibigyang halaga nito ang pagkakaroon nito ng kasintahan sa mga panahong iyon. "Mahal na mahal kita Alana, sayang at hindi napagbigyan ng kapalaran ang kagustuhan kong maging akin ka na lang." Tiningnan lang siya nito na tila nagsasabing ganoon din ang nararamdaman nito para sa