kanya. Napabuntong-hininga uli siya. "Napag-isip-isip ko mali na agawin kita sa kanya. Pero tama rin ba na hayaan na lang kita sa tabi niya gayong alam ko namang hindi ka liligaya sa piling niya."  Hindi umimik ito bagkos ay sinulyapan lang siya nang malungkot nitong mga mata. "Sa palagay ko'y anumang sandali'y tatawagin na ang flight ko Alana." Yumuko lang ito na parang itinatago ang mga matang muli na mang may mga luhang namumuo. At tinawag na nga ang flight niya. Subalit bahagyang natawa siya ng marinig ito. Napag-alaman nilang made-delay ang flight niya ng mga isang oras pa dahil sa isang aberya sa paliparan. Biniro niya agad ito. "Ayaw pa talaga akong paalisin sa tabi mo ng kapalaran Alana, hindi kaya dahil hindi pa rin kita nayayakap." Ngumiti lang ito sa kanya ng bahagya. Gumaan