kahit papaano ang nararamdaman niya sa ngiti nito sa kanya kaya muli na naman itong biniro. Ngumisi siya nang bahagya at pabirong umakmang yayakapin na ito sa harap ng maraming mga tao. Bigla namang nag-ring ang cellphone nito. At nang sinagot nito ay napag-alamang si Mariel ang tumatawag dito. Napahalakhak siya nang bahagya. "Ito talagang kaibigan mo oo, kung kailan kita yayakapin ay saka tumatawag.
"Ssssshh..." saway nito sa kanya habang kinakausap ang kaibigan nito sa cellphone. Makaraan ang ilang sandali'y ibinaba na nito ang kanyang cellphone. Tiningnan niya ito at tinanong. "Ano bang kailangan niyang kaibigang mong iyan ha?"