na talaga tayo, bwenas talaga," biro uli niya.
      "Oo nga bwenas talaga," nakangiting pag-sang-ayon nito.
      "Haaaay....." nasambit na lang niya habang bumubuga ng hangin.
      "Haaaay....." pabirong nasambit din nito.
       Umiling-iling siya at umiling-iling din ito. Pinagbuti na lang muli niya ang pagmamaneho. Pamane-maneho, pasulya-sulyap at pangiti-ngiti. Pagkatapos ng mga 40 minuto ay narating na nilang dalawa ang airport. Hindi na nito hinintay na alalayan pa niya. Kusa na itong nagbukas ng pinto at bumaba. Nangiti siya sa inasal nito. Kaya bumaba na rin siya pagkatapos ay kinuha ang maleta niya sa baggage compartment. Nagngitian lang sila sandali at pagkatapos ay magkatabing naglakad papasok ng gusali. Naupo muna sila sa waiting area. Wala ni isa mang nagsalita sa kanila.