mamahalin, kawawa ang susunod na magkakagusto sa akin, dahil kahit anong gawin ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko," pangiti-ngiting pagtatapat niya.
Hindi na ito umimik pa, Nagkasya na lang itong ngitian siya at iparamdam kahit papano na mahal nito siya.
"Halika na Alana, pupunta na tayo sa bwenas na airport na iyan," hirit uli niya.
"Oo nga punta na tayo sa bwenas na airport na iyan," nakatawang pagsang-ayon nito. Natawa siya nang bahagya sa pagsang-ayon nito.
Ipinagbukas agad niya ng pinto ito. "Pasok na mahal, diyan ka maupo para tabi uli tayo."
Pagkapasok niya ay agad naman siyang nagmaneho. Pasipol sipol pa siya habang ginagawa ito. Panay din ang sulyap niya rito. "Wala ito na talaga Alana,magkakahiwalay