ay umakyat naman sa kwarto niya para maligo doon. Sabay muli silang naligo, sa magkahiwalay na shower uli. Sabay halos silang natapos. Sabay din halos silang nakapagbihis. Pagkababa nito ay nakita nitong naghinihintay na siya.
      "Ang ganda mo talaga mahal, sayang nga lang at kailangan na kaitang iwan," bati at puri niya rito.
      "Dapat lang, gusto ko kasi maalala mo ako palagi kahit nasaaan ka man sa America, ang gaganda kaya ng mga babae roon," sagot at kunting pasaring niya.
      "Pero para sa akin, ikaw pa rin ang pinakamaganda Alana," sagot nito. "Saka ikaw lang naman talaga ang mahal ko eh."
      "Baka nga ilang araw lang ay makalimutan mo na ako kaagad eh,' sabi nito.
      "Imposibling mangyari iyan Alana, habang buhay kitang