magpakatatag ka ha. Kaya mo iyan, 'di ba sabi mo ang laki-laki mong tao," biro din nito.
"Kumain na tayo at nang magkaalaman na kung sino ang mas malulungkot sa ating dalawa sa ating paghiwalay," biro muli niya na ngumisi nang bahagya.
Kumain naman agad ang dalawa. Ngitian lang sila ang ngitian habang kumakain. At ilang sandali pa ay natapos na nila ang pagkain. Ininom muna niya ang kapeng hinanda nito para sa kanya pagkatapos ay dahan-dahan nang tumayo. Dumating naman agad muli ang driver niya, inilagay nito ang mga bagaheng dadalhin niya sa loob ng baggage compartment ng sasakyan niya. Matapos niya itong pagibilinan na kunin na lang ang sasakyan niya sa may airport ay umalis naman agad ito. Kumuha lang siya ng damit at agad na nagtungo sa shower sa ibaba para maligo. Si Alana