na love kita eh," simpling sagot niya.
"Alam ko namang love na love mo ako eh, palagi mo kayang pinaparamdam sa akin iyon," simpling sagot din nito.
"At gustong-gusto mo naman..." biro muli niya.
"Gusto din, ang kaso baka pagalitan ako ng boyfriend, kawawa naman ako," birong sagot nito.
"Subukan lang niyang kagalitan ka sa harapan ko, malalagot sa akin iyon," biro din niya. "Mas malaki kaya ako roon."
"Oo nga ano, pansin ko nga..." pag-sang ayon nito.
"Sigi na nga kumain na tayo Alana, samahan mo ako mamaya pagpunta ko sa airport. Ihatid mo ako. Huwag kang masyadong iiyak ha baka sabihin ng mga tao pinagtataksilan kita," biro muli nito.
"Sigi susubukan ko, pero ikaw din, dapat ganoon ka din,