Nakangiti ito sa kanya at nang mapansin ang kasama niya ay napatitig ang mayordoma dito at agad na nagtanong sa anak nito. "Miggy? Miggy?"
"Opo mama, magkasama silang dumating, magkasama po silang bumaba mula sa loob ng sasakyan ni kuya Henry," mabilis nitong sagot rito kahit pangalan lang nitong Miggy ang binanggit nito.
Napansin agad ni Alana na natuwang nagulat ang nanay nang bata sa narinig rito. Sinulyapan agad nito si Henry na parang nagtataka sa nakitang ekspresyon ng mayordoma matapos sagutin ng anak nito. Subalit nginitian at hinila niya lang ito nang marahan at nagpatuloy sa pagpasok sa kanilang bahay matapos bigyan ng makahulugang ngiti ang kanilang mayordoma.