Chapter 9

            NAUPONG magkatabi sa malaking sofa sina Henry at Alana. Inakbayan niya ito nang marahan, nginitang muli at agad kumalas para ilipat ang kamay sa palad nito. Pinisil niya ito ng marahan para payapain ito dahil nararamdaman niyang parang nag-aalala ito ng kunti. Pakiramdam niya'y natakot ito sa ginawang mabilis na pag-alis ng mga magulang sa may bintana. Sumulyap ito sa kanya at nang makitang panatag na panatag lang siya ay minabuti na lang nitong pagmasdan ang buong kabahayan. Napahanga naman agad