ito dahil kung gaano kaganda ang labas ay ganoon din kaganda ang loob ng kabahayan. Lahat nang nakita niyang mga gamit sa loob ay halatang mamahalin at magaganda. Napansin niya ito kaya kinausap niya ito sandali. "Nagustuhan mo bang bahay namin Alana?"
           Tumango naman agad ito at sinabing nagagandahan ito rito pero napansin niyang muling nag-aalala ito ng bahagya. "Huwag ka ngang ganyan, di ba sabi ko mababait ang mga magulang ko. Hintay ka lang baba rin ang mga iyon mayamaya lang. Malamang nag-aayos lang ang mga iyon para