ma-impress ka sa kanila," pabiro niyang sabi rito.
            Natawa ito nang bahagya sa sinabi niya. At ilang sandali lang ay bumaba na nga ang mga magulang niya. Tahimik lang ang dalawa at pinagmamasdang mabuti si Alana habang sila'y papalapit sa kanila. Kinabahang muli ito sa inaasal ng dalawa. Napayuko tuloy ito bilang pag-iwas sa mga tingin ng mga ito. Dahan-dahang umupo ang dalawa malapit sa kanila sa may sala. Umubo ng bahagya ang daddy niya. Napatingin agad si Alana dito at napansin niyang nakangiti ito sa kanya maging ang mama nito ay nakangiti rin. Nawala agad ang bahagyang kabang naramdaman nito kanina. Nginitian din niya ito pabalik pagkatapos ay sinulyapan siya. Pinisil niya ang kamay nito at agad na bumaling sa mga magulang. Napansin agad nitong napatingin agad ang dalawa sa kamay nitong pinisil niya. Nahiya ito ng