bahagya kaya kinalas agad ito ang kamay niya. Natawa tuloy ang mga magulang niya. Kaya natawa rin ito.
           "Miggy, dalhan mo nga ng maiinom ang bisita ng kuya mo," utos ng daddy niya. Sumunod naman agad ito at mabilis na naglakad papuntang kusina na kinaroroonan ng ina nito. "Natatakot ka ba sa 'min iha?" tanong nito. "Pasensya ka na sa amin kanina. Alam kong kakaiba ang inasal namin pagkakita namin sa iyo mula pa kanina sa labas ng bahay hanggang dito sa loob. Naninibago lang kasi kami. Hindi kami sanay."
           Pilit bumati si Alana sa dalawa. "Magandang hapon po."
           "Ma, Dad, ito nga pala si Alana, nililigawan ko," pakilala niya rito sa kanyang mga magulang.