mula sa ikalawang palapag ng kanilang malaking bahay. Kinawayan agad niya ito at binati ng ngiti. Agad namang umalis malapit sa may bintana ang dalawa. Nag-alala tuloy nang bahagya si Alana. Natakot ito na baka hindi siya nagustuhan ng kanyang mga magulang dahil sa bigla nilang paglayo. Napatingin ito sandali sa kanya na nagpapahiwatig nang kunting pag-aalinlangan. Subalit nginitian lang siya nito at inakbayang muli pagkatapos ay inilakad palapit sa nakasarado pa rinng pintuan ng kanilang bahay. Sumigaw naman agad si Miggy at tinawag ang kanyang ina sa loob. "Mama! Mama buksan mong pinto andito na si kuya at may kasama!"
Naghintay sila sandali para mabuksan ang pintuan. Pakabukas na pagkabukas ng pintuan ay agad na bumati ang kanilang mayordoma. "Magandang hapon po Senyorito."