ha Alana?" biro niya rito.
"Eywan ko... " pasimpling sagot nito sa kanya.
"Sigi na nga ikaw ang bahala," nasabi na lang niya. "Ito nga pala si Miggy, nag-iisang anak ng mayordoma namin. At ito namang magandang katabi ko ay si Alana."
"Magandang hapon po," magiliw na bati nito kay Alana.
"Magandang hapon din," bati din nito sa bata.
"Ang mama at daddy andiyan pa ba ha?" tanong agad niya.
"Opo kuya, tumingala ka ayon o, kanina pa kayo pinagmamasdan sa taas," mabilis nitong sagot.
Tumingala naman agad sina Henry at Alana sa itinuturong bahagi ng bahay ni Miggy. Nakita agad niya ang kanyang mga magulang na masusing nakatanaw sa kanila