Pero hindi siya pinansin nito at agad na nagtanong kay Alana. "Magandang araw, girlfriend ka ba ng kuya ko ha?"
Napatingin na lang bigla ito sa kanya. Kaya siya na lang ang sumagot rito. "Pinapangarap ko pa lang maging girlfriend, kaya tulungan mo akong mapasagot agad 'to ha."
"Oo ba, basta ba... alam mo na..." nakangiting sabi nito.
"Ano bang sinasabi niya ha?" tanong ni Alana sa kanya.
"Pagka ganyan iyan, pera na naman ang ibig sabihin niyan," sagot agad naman niya.
"Kuya naman binibisto mo naman agad ako eh. Pero kunwari ka pa riyan, mukhang hindi mo naman kailangan ng tulong eh," pangiti-ngiting bawi nito sa kanya.
"Ikaw talagang bata ka oo," sabi na lang niya pero agad namang bumaling kay Alana. "Hindi ko na ba kailangan pa ng tulong