maglalaho. Mahal na mahal kita Alana... mahal na mahal. Kung sana'y nagkita tayo noong malaya ka pa sana'y malaya tayo ngayong mahalin ang isa't isa. Subalit kahit na anong panghihinayang niya, wala na siyang magagawa kundi harapin ang katotohanan, ang katotohanang kailangan na nilang magkahiwalay na dalawa. Huminga siya ng malalim at tinatagan niyang muli ang loob niya. Subalit kahit anong pilit niya pakiramdam niya'y lalo lang siyang nanghihina. Mabilis na pumapatak ang mga oras at ilang sandali na lang ay kinakailangan na niyang tuluyang magpaalam rito. Alana... Alana... Alana... tahimik at paulit ulit na nasambit niya. Hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog sa malabis na pagod at kalungkutan.