itong pinagmamasdan mula sa kinauupuan niya. Gusto niya itong lapitan at yakapin ito pero wala siyang karapatang gawin iyon sapagkat pagmamay-ari na ito ng iba. Masakit sa akin na iwanan ka Alana, pero batid kong iyon ang sa iyo'y tama. Bakit ba kailangang maging ganito kasakit at kahapdi ang tama... Tuluyan na siyang napaluha. Nag-unahang magbagsakan ang mga luha sa kanyang mga mata. Tahimik siyang tumatangis pero ang puso niya'y sumisigaw sa malabis na kalungkutang bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Bumibilis ang paghinga niya habang patuloy siyang lumuluha at pinagmamasdan ang babaeng pinaka-iibig niya. Kahapon lang pakiramdam niya'y abot kamay na niya ang pangako ng isang-libo't isang kaligayahan kasama ito, subalit tila isa na itong panaginip ngayon na pagkagising niya'y tuluyan na ring