kasama siya sa kanyang kwarto. Nakita niya itong nakaupo sa pang-isahang sofa niya at pinagmamasdan siyang nakahiga. Nagkatinginan ang mga mata nila. Parang gusto niyang tumayo at yakapin ito at sabihin kung gaano niya ito kamahal. Na ikamamatay niya ang mawalay ito sa piling niya. Subalit alam niyang mali iyon. Isa iyong kasalanan. May kasintahan siya. Kaya muli niyang ipinikit ang mga mata at hinayaan na lang ito. Natakot siyang paalisin pa ito dahil baka pag muli siyang hinawakan nito ay tuluyan na siyang bumigay at hilingin na huwag na siyang iwan at manatili na lang sa tabi niya, sa buhay niya.
        NASASAKTAN siyang panoorin ang minamaahal niya. Nararamdaman niya ang malabis na kalungkutan nito dahil sa napipintong paghihiwalay nilang dalawa. Patuloy lang niya