ang pagpatak ng kanyang mga luha. Aaaah... tahimik niyang sigaw. Bakit pa kita nakilala kong mawawala ka rin lang pala. Mahal na mahal kita Henry... mahal na mahal. Ipinikit niya ng mariin ang kanyang mga mata. Subalit sa pagpikit niya ay parang nakikita pa rin niya ito, nagpapaalam sa kanya... Henry... Henry... patuloy na pagtangis niya. Nahihirapan na siyang huminga. Unti-unti na siyang naghihina sa malabis na pagtangis niya. Napahiga siya sa kanyang kama. Tuluyan na siyang bumigay, pakiramdam niya'y matatapos na rin ang buhay niya sa sandaling tuluyan nang mawala sa kanya ito. Napakatagal ng pag-iyak niya. Ngayon lang niya naramdaman ang ganoong uri ng pait at pasakit. Parang balong patuloy na umagos ang mga luha niya. Nakatulog siya sa malabis na pagod at pag-iyak. Hindi niya alam kong ilang oras siyang nakatulog. Nagising siya at naramdamang may