Hindi niya malaman ang gagawin niya. Kailangan niya itong pauwiin dahil hindi tamang manatili pa ito sa bahay niya. Subalit iba ang isinisigaw ng puso niya. Iiwanan na siya ni Henry. Pakiramdam niya'y para siyang mabubuwal sa kinatatayuan niya. Sinikap niya muling magpakatatag at muling tanggihan ito. Subalit kahit anong pilit niya ay walang katagang lumabas sa bibig niya. Bagkos ay pumatak ang mga luha niya. Bumilis ang pagpatak ng mga ito. Hindi na niya matagalan ang nararamdaman niya. Naramdaman na lang niyang tumatakbo siya paakyat ng hagdanan niya. Pagkasara niya ng pintuan ng kwarto niya ay agad niyang natutop ang bibig niya sa kanyang paghikbi. Hindi na niya na napigilan pa ang sarili nya. Umupo siya sa gilid ng kanyang kama. Tuluyan na siyang tumangis at lumuha. Hindi na niya makikita pa si Henry. Parang pinupunit ang puso niya. Lalo pang bumilis