Ginandahan naman nito ang tayo na parang reyna pagkatapos ay dahan-dahang naglakad palapit sa kanya. Nang makalapit na ito ay binigyan nito siya nang mapang-akit na tingin at ngiti. Nagkunwari naman agad siyang nanghina kaagad sa namalas niyang labis na kariktan nito. Muling naupong magkatabi at malapit ang dalawang kahapon lang nagkakilala. Parehong walang paglagyan ang kaligayahang nararamdaman nila sa piling nang isa't isa. Huminga pa siya nang malalim upang ipakita rito na nahihirapan kunwari siyang itutok ang buong atensyon sa pagmamaneho dahil mas gusto niyang titigan na lang nang titigan ito sa kanyang tabi sa loob ng kanyang sasakyan. Huminga muli siya nang malalim at muling nagmaneho na seryosong seryoso ang mukha at tutok na tutok sa pagmamaneho at hindi na tinitingnan o sinusulyapan man