"Talaga..."
"Talagang talaga, gusto mo yakapin pa kita rito, para malaman nila na wala na silang pag-asa dahil sa 'yong sa 'yo lang ako." At agad humakbang papalapit dito at umakmang yayakap.
"Subukan mo lang," pailing-iling subalit nakatawang saway nito.
Inawat naman agad niya ang sarili na yakapin ito. "Tayo na nga, para naglalambing lang ang tao eh..." Natatawang pinagmasdan na lang nito siya habang kunwaring nagdadabog habang sinususian ang pintuan ng kanyang sasakyang kulay puti. At nang mabuksan niya ito ay agad na tumalikod at pinasiklaban siya ng isang magandang ngiti at yumuko nang bahagya. "Hop in my queen."