lang pa ito.
Natatawa ito sa ekspresyon ng mukha niya habang nagmamaneho. "Hoy, anong problema mo, masakit bang leeg mo ha?" birong tanong nito at humalakhak nang bahagya. Pero hindi pa rin niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho na lalo pang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha. "Hoy ano nga sabing problema mo, may masakit ba ha?"
Nagkunwari naman agad siyang biglang natigilan sa narinig rito at agad itong sinulyapan na kunwang na-excite nang bahagya sa narinig. "Bakit mamasahiin mo ha?"
"Akala nito, bumalik ka na nga lang diyan sa seryosong pagmumukha mo," mabilis at nakatawang sagot nito.