ang laman ng isip ko, ng puso ko, Alana," pag-amin niya sa babaeng kanyang napupusuan.
Pinagmasdang muli nito ang mukha niya. Nanatili itong nakatingin ng may ilang sandali. "Sigi ganito na lang, tutal niliwanag mo naman sa akin na hindi ka lang nakikipagkaibigan sa akin. Kung panliligaw nang matatawag iyang ginagawa mo hahayaan lang kita. Pero ako, nakikipagkaibigan lang sa iyo."
"Ha, ako manliligaw, tapos ikaw makikipagkaibigan lang sa 'kin," sagot niya pagkatapos ay nag-isip at nanahimik.
"Makinig ka muna sandali, ganito iyon, sabi ko sa iyo wala na akong boyfriend, alam ko iyon, alam mo na rin iyon, pero iyong iyon hindi pa alam niyon," banayad na patawang sagot nito.
"Ah okey, hindi pa alam ng boyfriend mo na break na