kayo. Kaya hindi ka pa pwedeng makipagligawan sa akin. Okay I get it," patango-tangong at natutuwang nasabi na lang niya.
        "Maliwanag na kung ganoon."
        "Maliwanag na maliwanag po ma'am," nakangising sagot niya pagkatapos ay nanahimik uli at muling humirit. "Eh, kung ibigay mo sa akin ang number, ite-text ko nang malaman na niya." At agad na humalakhak.
        "Ikaw ha umaabuso ka na, kahapon nga lang tayo nagkakilala eh," saway nito.
        "Biro lang, sapat na sa akin ang sinabi mo. Ang importante, palagi na pala tayong magkikita nito, araw-araw," pasimpling pagpapahiwatig niya na araw-araw niya itong pupuntahan at dadalawin.
        "Eywan ko sa iyo, araw-araw talaga ha," nasabi na lang