kong iiwan na kita at magpupunta na ako ng America," mabilis nitong sagot na hinigpitan pa ang hawak sa mga palad nito at mabilis na inilapit ang mukha sa mukha nito.
      "Parang hindi naman," sagot na lang niya na pilit na itinatago ang ang nararamdang kilig sa sobrang lapit ng mga labi nito sa mga labi niya.
      "Ano boyfriend mo na ba ako, o hahalikan kita rito..." pagbabanta nito. "Ano, ito na hahalikan na talaga kita..."
      "Oo na, oo na boyfriend na kita tumigil ka na riyan..." nakikiliting awat niya rito.
      "Sa wakas!" malakas na hiyaw nito.
      Bigla namang umubo si Mariel para kunin ang atenson nila. "O ayan friend ha bumawi na ako sa iyo. Nang gabi kasing napaiyak kita sa tinanong ko sa iyo. Nakonsensya talaga ako. Kaya mula din ng gabing iyon mismo, hinanap ko