kaagad itong si Jonathan at hindi ko na talaga tinigilan ng kakasunod. Ang laki na kaya ng nagagastos ko sa gasolina. Buti na lang at kaninang-kanina lang ay nahuli ko na."
"Ang laki pala ng utang na loob ko sa iyo Mariel. Huwag kang mag-alala ako na ang magbabayad sa iyo. Punta ka na lang sa Department Store namin mamili ka roon ng kahit anong gusto mo. Kahit anong gusto mo Mariel, kahit ano at maraming maraming salamat uli," nakangiting pahayag nito rito.
"Talaga, o siya maiwan ko na kayong dalawa at uumpisahan ko ang pagsho-shopping," tuwang-tuwang sagot nito. "Ingatan mo iyang kaibigan ko ha."
"Oo pangako..." sagot naman agad niya. Mabilis namang umalis ito matapos makapagpaalam sa dalawa.
Muli niyang hinawakan ang mga palad nito. "Mahal na