"Ah ganon so magkikita pa tayo uli ng maraming beses."
          "Oo naman, may utang na loob ka yata sa akin, niligtas yata kita," pabiro at patawa-tawang sabi nito.
          "Sira, diyan ka na muna. Kung magkikita pa tayo, eh di magkikita. Pero ngayon kanya-kanya na muna tayo okey," sabi niya at agad na pumasok sa loob ng tinutuluyang cottage.
          "Hindi mo ba ako papapasukin man lang sa loob ng cottage mo, ha. Tutal wala ka na namang boyfriend di ba? di ba?" madiing ulit nito.
          "Oo na wala na akong boyfriend simula sa araw na ito. Pero hindi ka pa rin pwedeng pumasok. Magkita na lang tayo