"Ako nga pala si Antonio," pahabol at mabilis na pakilala nito sa sarili.
          "Okey, ako si Aloha. O ayan magkakilala na tayo!" pagpapakilala din niya at tiningnan ito na parang naghihintay ng sagot.
          "Ha pero ayoko pa ring pag-usapan. Ayoko kasing magsinungaling sa iyo," mabilis na pagtanggi nito. "Pero mabuting tao ako. Malalaman mo rin iyan pag mas nagkakilala na tayo,"