be for her, for her happiness, for their happiness. May bahagya siyang pakiramam na nakuha na niya ang paghanga nito, at kung kailan ito mapapalitan ng pagmamahal ay handa siyang maghintay makamtan lang ito.
       Muling lumangoy ang dalawa sa malalim na dagat, kapwa mababanaag sa mga mukha nila ang kasiyahan na silay nagkakilala at nagkasama. Kung hanggang saan aabot ang nararamdaman nilang kaligayahan ang tahimik na hanging dagat lamang ang tunay na nakakaalam. Tumigil ang dalawa sa paglangoy at kapwa huminga ng malalim at nakangiting pinagmasdan ang isa't-isa pagkatapos ay muling lumangoy na magkahawak ang mga kamay hangang sa unti-unti na nilang lang matanaw ang papabalik na bangka.