pero iyon ang kasunduan natin bago kita sinagot at tinanggap mo iyon. Ang akala ko isa kang mabuti at maginoong lalaki at nakayanan mong igalang ang kagustuhan ko. Iyon pala'y dahil may iba ka naman palang pwedeng yakapin at halikan anumang oras na gustohin mo," pahayag niya. "Mabuti na lang at nalaman ko na ang lahat ng ipinakita mo sa akin ay pagkukunwari lamang."
Sa galit ng kasama nitong babae ay muli itong sinampal at pinagbantaan. "Akala mo basta mo na lang akong maloloko ng ganyan ! Kailangan mong panagutan ang ipinagbubuntis ko! Baka nakakalimutan mo Heneral ang tatay ko. Baka gusto mong ipadampot kita. Halika na, sumunod ka na at marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin, bilis!" malakas na bulyaw at mando nito rito. Sa takot nito sa tatay nito ay wala itong nagawa kundi sumunod at sumama na lamang sa babae.