PANAY lang ang ngiti ni Alana. At halos wala pang biente kwatro oras silang magkakilala, hindi niya magawang itanggi sa sarili niya na gustong-gusto na niya agad ito, gustong-gusto. Napapansin niya sa mga titig at sulyap nito na gandang-gandang ito sa kanya. At hindi niya mapigilang makaramdam ng kaligayahan sa loob-loob niya. Kahapon lang ay ang lungkot-lungkot niya, pero ngayon may kasama siyang panibagong lalake na nagpahanga sa kanya ng husto. Na sa tingin niya ay magugustuhan ng kahit na sinong babae at napakapalad niyang nagustuhan siya nito. Hindi mabura-bura ang mga ngiti sa mapupula niyang mga labi. Kumikislap sa kaligayahan ang maganda at maiitim niyang mga mata. Hindi katulad ng ibang babae, pakiramdam niya sa mga sandaling iyon ang haba-haba ng pilik-mata niya na nagpatawa sa kanya habang nakatigil na lumalangoy. Hindi